Ads Here

Monday, May 24, 2021

Paano Ka Lalong Mamahalin Ng Lalaki

 



  Minsan, dahil sa sobrang haba na ng panahon ng pagsasama o dahil sa mga problemang pinagdadaanan, nawawala ang init ng pagmamahalan ng mag asawa o magkasintahan. Ang mga babae ay maaring makaramdam ng takot na baka manlamig na lamang ang lalaki sa kanila. Pero huwag kayong mag-alala dahil meron namang epektibong paraan para lalong mas mapatatag ang pagmamahal ng isang lalaki sayo. Ipapakita at ipapaliwanag ko ang mga tips na siguradong makakatulong sayo.





1. Magpaganda ka.


Maaring hindi sabihin ng kasintahan mo, pero gusto ka niyang makitang maging maganda lagi. Oo, mababaw ang mga lalaki paminsan-minsan, hindi naman sa puntong gusto nilang parang isang artista ang datingan ng kanilang kasintahan. Minsan, kahit simpleng pag-aayos lamang ay malaki na ang nagagawa.


Ang isang lalaki na tunay na nagmamahal gustong ipagmalaki ang kanyang minamahal sa buong mundo bilang ang kanyang kasintahan. Pero paano niya ito magagawa kung hindi ka naglalaan ng oras para mag-ayos at magpaganda? 


Maaring gusto mong magpanatili ng estilo ng pananamit na may dating nang hindi nagpapakita ng sobra-sobra. Ang estilong magpapakita ng iyong lakas ng loob at personalidad. Hindi ka lamang mamahalin ng dahil dito, kung hindi mas lalo ka niyang ipagmamalaki na nasa isang relasyon siya kasama ng isang babaeng maganda sa loob at labas. 



2. Pagbigyan mo siya sa mga maliit na bagay. 


Kadalasan binibigyan ng mga lalaki ang kanilang kasintahan ng bulaklak, tsokolate, kwintas at iba pang mga regalo. Pero kahit wala silang hinihinging kapalit, gusto rin nilang alagaan at ipamper mo sila.


Maaring gusto mong bigyan ng masahe ang kasintahan mo, lalo na sa mga oras na istres na siya sa kanyang trabaho, o lutuan siya ng hapunan na makakabusog sa kanya at makakawala sa iniisip niya. Maaring gusto mo siyang dalhin sa labas o manuod kayo ng sine. Ang mga maliliit na bagay na ito ay importante para sa mga lalaki, di nilang matatanggihan na tratuhin sila na parang hari. 


3. Wag na wag kang maging nagger o bungangera.


Minsan kapag nasa isang relasyon tayo, nakikita natin ang ating sarili na dinidiin ang gusto mo sa iyong kasintahan, kahit na hindi siya sang-ayon rito. Kung hindi ito bumibigay, nagdadabog ka at nagrereklamo, bilang kapalit nagagalit ito. Ayaw mong mag-away naman kayo dahil sa maliliit na bagay, dahil lang hindi mo nakuha ang gusto mo mula sa kanya, diba?


Isang importanteng dapat mong tandaan sa isang relasyon ay wag maging mareklamo. Di mo kailangan ulit-ulitin sabihin na kailangan niyang umuwi sa oras o bilhan ka ng bulaklak, at kailagan niyang maalala lahat ng espesyal na araw. Hayaan mo siyang gawin ito ng kusa. Bigyan mo siya ng pagkakataon para ayusin ang sarili niya at maisip niya kung paano ka niya dapat tratuhin. Sa pamamagitan nito, malalaman niya kung ano talaga ang posisyon niyong dalawa sa relasyong ito at maaring mula dito kayo umusad.  


4. Pahalagan mo ang iyong sarili.


Naalala mo ba bakit ka niya minahal? Minahal ka niya dahil sa kung sino ka bilang tao. Kasama na rin ang ngiti mo, yung pagiging nakakatawa at matalino mo, pagiging mabait mo, kung paano ka manamit at kung paano ka mag-isip at umarte.


Tandaan mo, kadalasan nawawala sa mga babae ang mga katangiang ito habang umuusbong ang relasyon nila, dahil mas lalo silang nakokonsumo ng kanilang kasintahan at kung ano ang nais nito para sa kanya. 'Wag kang magpadala rito. Importante na di mawala sa iyo kung sino ka, ang babae na minahal ng kasintahan mo. Oo, maaring nasa isang relasyon na kayo, pero hindi naman ibig sabihin na kailangan nang mawala kung sino ka habang tumatagal ang panahon. Imbes nito, pahalagahan mo ang iyong sarili at hayaan mong maramdaman niya ito. Sa ganitong paraan, mamahalin ka niya lalo dahil alam niya ang tunay na halaga mo.



5. Pakinggan mo siya lagi. 


Gusto isipin ng mga lalaki na isipin na kontrolado nilang ang isang relasyon, at kailangan mo itong ibigay sa kasintahan mo. Kahit minsan ramdam mo na baliktad ito. At habang gusto niyang sabihin sa iyo ang mga hangarin at pangarap niya, kung laging negatibo ang binbigyan mong opinyon sa kanya tuwing nagkukuwento siya, mas lalo niyang iisipin na wala kang paki sa kanyang nararamdaman at mas lalo niyang iisipin maghanap ng iba na magpalalabasan ng sama ng loob.


Imbes na magkaroon siyang ibang tao na masasandalan, bakit hindi mo siya pakinggan? Magpasensya siya sa iyo at makinig ka kapag nagkukuwento siya sa iniisip niya at mga reklamo niya, para sa kanya nagpapakita ito na lagi kang andiyan para sa kanya. 



6. Wag mong subukan baguhin siya. 


Maaring nakakabigo na mararamdam ito, pero alam natin na hindi mo mababago ang isang lalaki. Maaring humingi ka ng pagbabago, pero magbabago lamang ito kung gusto nitong magbago. Tanggap ng isang lalaki ang isang babae kapag nararamdaman niyang tanggap mo siya bilang kung sino siya. Malaking nagagawa sa isang babae na pumukaw at palakasin ang loob ng isang lalaki para maging pinakamagandang bersyon ng kanyang sarili nang hindi pinaramdam sa kanya na kailangan niyang magbago. 



7. Wag mong iparamdam sa kanyang obligado siyang alagaan ka. 

Siyempre gusto mo ang isang lalaki ng gagawin kang prayoridad, sisigaruduhin na ligtas ka at aalagaan ka. Lahat tayo gusto 'yon. Minsan napupunta tayo sa ganitong kaisipan obligado ang mga lalaki na punan lahat ng kailangan natin. Maaring masamang pakinggan ito, pero hindi siya obligado para bantayin ka at alagaan ka lang, hayaan mong boluntaryo niya itong gawin. 



8. Pagkatiwalaan mo siya.

Ang mga babae ay malakas ang pandama at ramdam nila kung mayroon para hindi naayon o angkop. Ngunit, minsan maaring nagiging sobra-sobra na ito at gumagawa tayo ng mga sitwasyon sa isapan natin dahil sa maliit bagay na nakita natin tulad ng text mual sa babaeng katrabaho niya. Gaano katatag ba ang relasyon niyo na hindi gaano katibay ang tiwala niya sa isa't isa. Kung hindi mo siya kayang pagkatiwalaan, hindi ka talaga magiging sigurado. 


Gawin mo ang makakaya mo para hindi maging OA. Kung hindi ka niya binibigyan ng rason para hindi siya pagkatiwalaan, kailangan mong ayusin ang iyong sarili at tanggalin ang mga kaisipan na iyan sa iyong isip. Ang pagkakaroon ng respeto, tiwala at pasensiya ay importanteng-importante para magiging payapa at dalisay ang inyong relasyon. 



9. Wag mong hingin na bitawan niya ang kanyang interes. 


Kadalasan ang mga lalaki ay may mga bagay na gustong-gusto nilang gawin. Halimbawa, mahilig silang kalasin at buoin ang mga kotse. Maaring parte ito ng kanyang pagkakakilanlan at kung wala iyon, mawawala sila. Wag mong hingin sa isang lalaki na sukuan ang mga interes niya o pakonsensiyahin para rito na mas maraming oras ang nilalaan niya riot. Matalino kang babae, at alam mong magiging miserable siya kapag ginawa mo ito. Tandaan mo, mahal ka niya higit pa sa nararamdaman mo. 


10. Wag mong aasahan na hindi na siya papansin ng ibang babae.

Hindi mo puwedeng asahan na hindi na siya titingnan kapag may magandang babae na duaman, at parang tulad mo rin na di mo mapigilan tumingin kapag may dumaang guwapong lalaki. Natural ito bilang tao na mapatingin sa isang magandang nilalang. Hidni ko sinasabing hayaan mo siyang lumadi sa iba sa harap mo dahil ibang usapan na iyon. Intindihin mo lang na normal ito at tanggapin mo ito sa kalmadong paraan. 



     Ang mga lalaki ay dapat pinapakitaan ng totoong pagmamahal. Kailangan talaga na gumawa ng  paraan para mapatatag ang relasyon ng dalawang tao. Pero, pakakatandaan na hindi lamang dapat ang babae ang gumagawa ng mga paraang ito. Kasabay din dapat nito ang kooperasyon ng lalaki. Kung sakaling ginawa mo na ang mga tips  na ito at nawalan pa din siya ng pagmamahal sayo, huwag ka ng malungkot. Tanggapin ito at isipin na wala sayo ang problema.

No comments:

Post a Comment

Top 10 Powerbanks You Can Choose From

Our world is changing. Technology is a big factor about this rapid change. In recent years, we have seen the importance of smart devices, wh...