Mahirap magtiwala sa mga tao ngayon. Minsan, kahit ang pinakamalalapit nating kapamilya at kamag anak ay gagawan ka ng hindi maganda. Hindi natin maitatanggi na ang isa sa mga karaniwang dahilan ng kasamaan na ipinapakita nila ay ang inggit. Ano nga ba ang mga senyales na naiingit ang isang tao sayo. Ipapakita ko ito sayo.
1. Lumalayo siya sa mga selebrasyon.
Ang tao ay sinsubukan maghanap ng paraan para mas kaunti ang oras kasama ka, dahil para sa kanya, ang kasiyahan mo ay nagpapaalala sa iyo na kalungkutan niya. Dahil sa rason na ito, mas gugustuhin niyang lumayo, minsan ang pagsabi na lagi lamang siyang busy o nagdadahilan para hindi siya makadalo sa mga selebrasyon. Ang tunay na kaibigan ay laging andiyan sa lahat ng panahon, habang nagtatagumpay ka at nagbabago ang iyong buhay. Ang taong hindi inggit ay gustong laging nasa tabi mo.
2. Marami siyang sinasabi kapag nakatalikod.
Kapag may taong naiingit sa iyo, kadalasan marami siyang sinasabing laban sa iyo kapag nakatalikod ka. Titingnan nito ang kahinaan mo. Mas malala, titingnan niya ang mga pagkakamali mo at ikukuwento ito sa iba para mas maraming tao ang di ka magugustuhan.
3. Hindi ka niya pinupuri.
Habang ang ibang tao ay pinupuri ang ginagawa niya, ang taong ito ay laging negatibo ang napupuna sa iba. Halimbawa, hindi niya ni-lilike ang mga larawan o post tungkol sa kanya sa internet. Kung wala siyang sasabihin at kadalasan ito ay negatibo o kritikal.
4. Pilit ang kanyang mga ngiti.
Itong reaksyon ay senyales ng insensiridad at kadalasan binibigay ito ng mga taong puno ng inggit. Dahil dito, sinusubukan mong tugunan ang negatibong nararamdaman mo. Nilalagyan ka nilang ng pekeng ngiti sa mukha, na parang hindi mo masasabi kung ano ang totoong ngiti.
5. Hinahanapan niya ng butas ang mga tagumpay mo.
Habang ang ibang tao ay nagagalak sa tagumpay na narating mo, may mga taong may inggit na nararamdaman sa iyo. May iba pa ngang minamanipula ka habang pinupuri ka. Halimbawa, sinasabi niyang nagkataon lamang na nagtagumpay ka, at hindi dahil sa kakayahan mo. Ang mga taong ito na minamanipula ka ay ang mga taong inggit din sa iyo.
6. Ibinababa ka niya.
Ang taong inggit sa iyo ay susubukan gawin ang lahat para hindi ka maging komportable, dahil hindi niya gustong makita na natutupad mo ang pangarap mo. Hihingin niya sa iyo na mas bumaba ka pa sa uri mo ngayon o sasabihin niyang masayado kang bilib sa sarili mo, o "masyadong mataas ang pangarap mo, gumising ka naman!'. Maaring isipin mo na nagiging makatotohanan lamang siya, ngunit napapatunayan dito na inggit siya sa iyo.
Kapag nalilito ang isang tao at tinatanong ka, anong gagawin ko? Ang isang normal na tao ay sasabihin kung ano ang kailangan mong malaman. Ngunit hindi ito mangyayari kung ang tinatanungan mo ay inggit sa iyo. Imbes na bigyan ka ng impormasyon na kailangan mo, bibigyan ka niya ng maling impormasyon.
Gusto nila kapag naliligaw ka dahil sa maling impormasyon na binigay nila, na lumalayo tayo sa dapat papupuntahan mo. Ang posibilidad na ito ay maaring mangyari dahil parehas kayo nang gustong marating. Sa isang opisina, halimbawa, kung saan maraming tao ang may parehas na layunin, may hindi patas na kompetisyon.
8. Galit siya sayo.
Tingnan mo ang paligid mo, may taong bang may pagkamuhi sa iyo? Walang taong na may pagkamuhi sa iyo na walang dahilan. Kung mayroon man, nababaliw ito. Kung alam mo lang bakit may galit sa iyo ang mga tao, maaring dahil nagtatagumpay ka, habang sila ay hindi.
Mahirap mabuhay kasama ang ibang tao. Habang sinusubukan natin na magtagumpay, may tao palang naiinggit sa atin at ang inggit na ito ay namumuo at nagiging pagkamuhi. Minsan sobra-sobra itong iparamdam ng mga tao, may iba namang tinatago ito. Para hindi ka maimpluwensiyahan nila, magpatuloy ka lang,ituloy ang buhay mo at dumistansya ka sa kanila.
9. Binibigyan ka niya ng pekeng papuri.
Ang isang mabuting kaibigan ay magbibigay ng papuri kapag nagtatagumpay ang kaibigan niya. At ramdam mo kung may sinseridad ang sinasabi nila ito o hindi. Pero kung ang isang tao ay nabubulag sa inggit, ang papuri na lalabas sa bibig niya ay peke. Nagpapanggap ito na masaya sa tagumpay na narating mo pero kapag nakatalikod ay galit sa atin.
Minsan ang tao ay hipokrito. Sa harap natin ay pupurihin tayo. Pero kung nakatalikod tayo ay maraming sinasabi at sinasaksak na tayo patalikod. Kadalasan, marami itong sasabihin sa ibang tao para kagalitan din tayo ng iba. Pero kalma lang, dahil ang lahat ng uri nito ay maaring mawawala dahil sa katotohanan. Pero kung napahamak ka nito, maaring mong ireport ang taong ito at kasuhan.
10. Ginagaya niya ang ginagawa mo.
Ang pakahilig ng tao sa kompetisyon ay nagmumula sa ugaling ito. Kapag nagiging competetive ang isang tao, gagawin nito ang ginagawa mo para ipakita sa iyo na mas magaling sila sa iyo. Gagawin nito ang parehas na ginagawa mo para makuha din nila ang tagumpay na nakuha mo. Minsan kahit hindi mo alam, may mga taong susundan ang ginawa mo.
Kahit sinasabi ng mga siklohista na ang ugali nang pangongopya ay senyales ng "flattery", ang taong inggit sa iyo ay susubukan na gayahin ang lahat ng ginagawa mo. Aabot ito sa puntong ang paglalakad, ang pagdadamit at pagsasalita mo ay gagawin din nila. Kahit ituring mo ito na "compliment" sa una, habang tumatagal masasakal ka rin dito. Ang pinakamabisang magagawa mo ay 'wag mo itong pagtuonan ng pansin.
11. Ipinagyayabang niya ang kanyang tagumpay.
Kadalasan, kapag nagtagumpay ang isang taong puno ng inggit, gagawin niya ang lahat para malaman ito ng lahat. Ipagsisigawan nila ang tagumpay niya. Kadalasan, ang mga taong ganito ang pag-uugali ay inggit sa tagumpay ng iba at gagawin ang lahat para mapatunayan na mas mataas siya sa iyo.
12. Nagtatanong siya ng mga tanong na hindi ka kumportable.
May pagkakaiba ang pagtatanong tungkol sa tagumpay ng isang tao at pagiging kritikal dito. Parehas na may ibang tono ang mga ito.
Sa una, mararamdaman mo kung may kuriosidad lang talaga ang isang tao sa naging karanasan mo. Ngunit, habang lumalalim ang pag-uusap, ang kagalakan mo sa pagkukuwento tungkol sa iyong sarili ay nagiging isang di komportableng posisyon, sa pagtatapos nito maaring maramdaman mong may pagdududa ka sa iyong sarili dahil sa pagtatanong niya sa iyo.
Ang buong punto ng pagtatanong ng mga tanong na ito ay para mapababa ang tiwala mo sa sarili. Ang isang taong may inggit ay hindi makakatiis ng isang taong mataas ang tingin sa sarili.
Mas makakabuti na umiwas tayo sa kahit sinong taong naiinggit sa atin. Pero, aminin natin na ang lahat ng tao ay nakakaramdam ng inggit sa kapwa natin. Kahit ikaw ay nakaranas na nito. Ang mahalaga ay hindi mo hahayaan ang sarili mo na gumawa ng masama sa iyong kapwa. Sa halip, gawin mo itong inspirasyon para iangat ang iyong sarili.








No comments:
Post a Comment