1. Napapalingon ang mga lalaki sayo.
Kung meron kang sobrang gandang katawan at mukha, imposible na hindi mo naexperience o napansin na madaming lalaki ang napapalingon sayo.
2. Nais ng mga taong makasama ka.
Kung lagi nahahalina ang mga tao sa iyo at gusto kang makasama, ibig sabihin, maganda ka.
May kakaiba sa iba na nadadala ang tao sa iyo at gugustuhin nilang makasama ka. Maaring nasa hitsura mo ito, yung pagiging nakakatawa mo, o yung enerhiya mo - ano pa man, gusto ng taong makasama ka dahil una sa lahat, maganda ka!
Tulad ng sabi ko kanina, lahat ng tao ay maganda sa kanilang sariling paraan, kahit hindi mo pa nakikita, ang mga taong na gusto kang makasama ay nakikita iyon at naniniwala rito.
Subukan mong paniwalaan ito at alalahin mo na gusto ng taong na nasa paligid mo, kahit mahirap itong paniwalaan sa una.
3. Nagugulat ang mga tao tungkol sa iyong mga insecurities.
Mahirap maniwala na ang mga taong ating hinahangaan ay may mga insecurities din. Innisip natin na dahil sila ay kaakit akit, wal silang dapat maging ikainsecure sa kanilang mga sarili. Ang lahat ng tao ay nagiistruggle ng dahil sa kanilang low self esteem. Ito ang dahilan kung bakit ang karamihan ng tao ay nagugulat kapag nalaman nilang merong mga bagay sa iyong hitsura na hindi ka masaya. Ibig sabhin, gusto nila ang iyong hitsura at siguro ay hindi nila napapansin ang mga flaws na iyong nakikita sa iyong sarili.
4. Nagbabago ang kilos ng mga tao sa paligid mo.
Lahat tao ay napunta na doon - may nakita tayo kaakit-akit at nahihiya tayo o nagpapabebe, o maaring simulan mo sa paglaro ng buhok mo at sa paglalandi.
Kung mapapansin mo na nagbabago ang ugali ng mga tao sa paligid mo, marahil ito ay dahil maganda ka. May pakialam ang mga ito sa opinyon mo at nagsisimula na kabahan at gusto kang maimpress o mag-all out at magsisimulang magjoke, maging conscious at susubukin kunin ang atensyon mo.
Ano pa man, kung laging nagbabago ang ugali ng mga tao kapag nasa paligid mo, ito ay dahil maganda ka at gusto nilang mapansin mo sila.
5. Ang mga estranghero ay sinusubukan makipag-eye contact sa iyo.
Simple lamang ito - ang maikling tingin sa iyong direksyon na may kasamang ngiti ay isang magandang senyales. Ngunit ang mahabang tingin na nakadirekta sa iyong mata ay nagtataglay ng malakas na emosyon at ibig sabihin na sinusubukan niyang magkaroon ng eye contact sa iyo. Mayroon pang pangatlong posibilidad - kung ang isang tao ay nakatingin sa iyo kahit napansin mo na ito at patuloy niya itong ginagawa kahit hindi ka na nakatingin, senyales ito na interesado ito sa iyo. Sinusubukan lang nila na maging tactful para pigilan ang sarili nilang tumitig sa iyo.
6. Nilalandi ka at inaaya kang lumabas ng madaming lalaki.
Maaring lagi kang tinatanong ng iba kung maaring makipag-date sa iyo at hinihingi ang number mo, o maaring nilalandi ka kapag nasa labas ka.
Ito ay isang klarong senyales na nahumaling sila sa iyo at samakatuwid, isa kang magandang babae!
Tandaan na iba-iba ang tipo ng mga tao at lahat ay maganda sa kanya-kanyang paraan, hindi naman dahil hindi ka nilalandi kapag lumalabas ka, ibig sabihin hindi ka maganda.
7. Maraming lalaki ang naoobsess sayo.
Kahit isang gabi pa o sa mahabang panahon - mayroong mga lalaking naadik o na-obsesses sa iyo. Isipin mo ang sitwasyon kung saan nasa isang bar ka kasama ng iyong mga kaibigan; may isang lalaking sunod nang sunod sa iyo buong gabi. O maaring may lalaking text nang text sa iyo kahit sinasabi mo na hindi ka interesado. Patunay ito na maganda ka.
8. Napapansin mo na binibigyan ka ng madaming tao ng compliments.
Kung madaming tao ang nagsasabi kung gaano ka kagaling, kung gaano ka kaganda, kung gaano ka kainteresting, isa kang attractive at magandang babae.
Ang mga tao ay gustong gustong ipaalam sayo kung gaano ka kaganda dahil gusto nilang mas lalong gumanda ang tingin mo sa iyong sarili. Kung hindi man, nakikipaglandian lamang sila sayo.
9. Lagi kang nilang tinetext o kinokontak.
Kahit nasa isang relasyon ka o may asawa ka, nakakakuha ka pa rin ng mensahe sa social media account mo. Ang mga taong ito ay naghahanap rin ng taong makakapuno sa kanilang pangangailangan. Parehas ang masasabi ko sa pagtanggap ng mensahe o tawag sa mga numerong hindi mo kilala.
10. Masyadong mabait o masyadong rude ang pakikitungo sa iyo ng ibang tao.
Kung ang mga tao ay masyadong magalang o kaya naman ay masyadong rude sayo, iisa lamang ang ibig sabihin nito. Iniisip nila na ikaw ay special at hindi ordinaryo. Ang mga confident at successful na mga tao na sa tingin nila ay attractive sila at good looking ay inaapreciate ang kaparehong qualities nila sa ibang tao. Ang mga taong mabait sa ay nakikita ka bilang kalevel nila. Sa ibang banda, may mga taong maaring itrato ka sa negatibong paraan na maaring ang ibig sabihin ay naiinggit sila sayoo mas mataas ang level mo sa kanila. Huwag mong sayangin ang oras mo sa kanila. Magfocus ka lamang sa mga taong tinatrato ka ng tama. Kaya, kung napapansin mo ang mga bagay na ito, mas attractive ka kaysa inaakala mo.
11. Masaya ka.
Hindi matatanggihan ng mga tao ang ngiti. Napapangiti mo din ang ibang mga tao ng walang effort. Madami kang mga bagay na ipinagpapasalamat at ikaw ay totoong masaya, Naappreciate mo ang mga maliit na bagay. Maaring mahirap nga ang buhay pero pinipili mong maging masaya. Pinipili mong tumawa sa mga joke ng ibang tao at sinecelebrate mo ang katotohanang napapaligiran ka ng mga taong sumusuporta sa iyo.
12. Ang mga tao ay laging nagsisimula ng conversation sayo.
Maari silang magsimula ng kahit anong topic para lamang may mapag usapan kayo. Ito ay maaring mula sa weather ngayon hanggang sa damit na iyong suot o kahit ano na tungkol sa kanilang interes. Excuse lamang ito dahil interesado silang makipagusap sayo.
13. Nagniningning ang iyong inner beauty.
Alam mo ba kung ano ang mas inportante sa iyong pagiging maganda o kung gaano kahot ang iyong katawan? Ang iyong attitude, pag iisip at ang paraan ng iyong pamumuhay, ang iyong pagiging honest sa iyong sarili. Maaring mahirap itong paniwalaan pero ang pagiging totoo ng babae ay mahirap makita ngayon at ito ay maaring refreshing para sa madaming lalaki.
Ang karamihan ng mga lalaki ay nakakaappreciate ng mga mabubuting tao in general, so hindi nakakapagtaka kung mafall in love siya sayo. Meron kang parehong inner beauty at outer beauty.
14. Hindi ka naghahabol sa ibang tao.
Mas gugustuhin mong maginvest ng iyong oras at energy na habulin ang iyong sariling mga pangarap kaysa ang maghabol sa ibang tao.
Ito ay isang bagay na sbrang maganda sayo dahil wala kang pakialam kung gusto ka ng ibang tao. May pakialam ka lamang sa iyong sarili.
15. Lagi kang nasa isang relasyon.
Kung lagi kang may idinedate na tao, ito ay dahil nakikita ka nilang attractive na babae. Mas madali para sa mga attractive na tao na makahanap ng mga taong makakadate. Maaring hindi lang looks ang hinahanap ng isang tao sa kanyang partner pero ito ay isang malaking factor. Kung napakadali lamang sayo na makahanap ng tao na makakadate, ang iyong magandang itsura ang isa sa mga rason nito.













No comments:
Post a Comment