Ads Here

Friday, May 28, 2021

Signs Na Interesado Ang Iyong Boyfriend Sa Ibang Babae




5. Masyado na siyang conscious pagdating sa hitsura niya.

Noon, wala siyang pakialaam kung maluwag na ang garter ng kanyang brief. Pero ngayon, sinusuot na niya ang pinakamaganda at pinakabagong brief na meron siya. Nakafocus siya sa kanyang hitsura, kung anong ayos ng buhok niya at kung anong amoy niya. Kabaligtaran ito nung nakilala mo siya, anong nagbago? Anong nagpabago sa kanya?



6. Hindi niya napapansin na meron siyang baging nababanggit na pangalan ng babae sa madalas na oras.


Kapag may crush tayo sa isang tao, lagi natin siyang naiisip sa lahat ng oras. Naeeexcite tayo sa kanilang presence at gagawa ng excuse para maisingit siya sa conversation. Kung ganito magbehave ang iyong boyfriend, kailangan mong maging worried tungkol dito. Kung lagi mong naririnig ang pangalan ng isang babae, maaring maging cause of alarm ito dahil gusto ng iyong boyfriend na binabanggit ang kanyang pangalan at gusto niya rin itong marinig ng ibang tao. 


7. Nagiging defensive ito sayo. 


Napapansin mo bang nagiging defensive ito sa madaming bagay. Maaring magigng kakaiba ang mga kilos niya sa mga simpleng tanong dahil sa loob niya, ang mga tanong na ito ang nagpapakonsensya sa kanya sa madaming bagay. Natural na depensa niya ito dahil may itinatago siya sayo kaya kung biglang naging moody ang nobyo mo ng walang rason, marahil, ito na yun.



8. Madalas, itinatago niya ang paggamit niya ng telepono. 


Nararamdaman mo bang napupuno ng text ang telepono niya? Nasa laabas kayo pero hindi siya matigil sa pagtetext. Senyales ito na nakikipagusap siya sa iba. Lalo na kung iba ang ikinikilos niya at lumalayo siya kapag sinasagot ang kanyang telepono. Kung tinatanong mo siya kung sino ang tumawag, magbibigay siya ng hindi klarong sagot. Isa itong klarong senyales na hindi lamang ito kaibigan o katrabahao na kailangang makausap. Marahil, isa itong taong sobrang importante sa kanya na itinatago niya sayo. 



9. Nawawala na ang public display of affection. 


Noon, lagi kayong magkahawak ng kamay, lagi kayong ngahahalikan o nagyayakapan. Ngayon, nawala na ito. Hindi na siya nagpapakita ng affection sayo sa publiko na dati ay ginagawa niya. 



10. Hindi na siya masyadong excited sa pagkikita ninyo. 


Sa tuwing magkasama kayo, merong kilig sa pagitan ninyo. May mga sandaling nawawala ito para mga magkasintahan pero napapansin mo bang napapadalas ang mga eksenang ito. Kapag nasa labas kayo, napapansin mong wala siyang kagana gana sa pagsasama ninyo. Kung ganun kayo, tanungin mo siya kung anong meron.



11. Bigla na lamang siyang nagkaroon ng plano sa lahat ng oras. 

Kung ang schedule niya ay hindi kasing busy ng dati, ito ay isang malaking red flag. Ang lahat ng kanyang libreng oras ay napunta na sa iba at kanyang pagbabaliwala sayo ay isang senyales na iba na ang nasa kanyang puso. Tuwing Sabado at Linggo ang mga araw na hindi siya nagtratrabaho. Kung hindi siya makahanap ng oras para makita ka, ayaw niya lamang na makita ka.



12. Madalas mong napapansin na siya ay mentally absent.

      Ang pagiging physically present ng isang tao ay kalahati lamang laban. Kailangan ng isang tao na maging physically at emotionally present kapag kasama ang kanyang partner. Kapag inlove ang isang tao sa isang tao, gusto niyang marinig ang kanyang sasabihin at laging andyan siya para sa kanya. Kung interesado na siya sa ibang tao, mahihirapan na siyang magfocus. Kung nararamdaman mong winiwish lang niya na nasa ibang lugar siya kapag kasama mo siya, hindi na siya interesado sa inyong relasyon. Iniimagine niya kung paano ka niya tatakasan. Kung noon, nagdadaydream siya sayo, ngayon, nagdadaydream siya para makatakas sayo. Ang isang sign na siya ay mentally absent kapag kasama mo ay ang hindi niya pagsagot sayo kapag kayo ay may conversation dahil hindi siya nakikinig sayo at ang kanyang pagkainis sa tuwing kukunin mo ang kanyang atensyon.


13. Lagi siyang nagpupumilit sa group dates.

      Kung gusto mong makilala ang isang tao, ang isang pagkakaroon ng group date ay isang magandang paraan. Kung nagsusuggest siya ng isang group date at umiiwas siya na magkaroon ng one on one time na makasama ka, ito ay dahil gusto niyang lumayo sayo. Malamang, mas gusto niyang makasama ang ibang babae at ang pagkakaroon ng group date ay isang malinaw na paraan para magawa ito ng hindi nagsisimula ng away sa pagitan ninyong dalawa.


14. Lagi niyang kineclaim na " They are just friends."


Kung ang iyong partner ay may bagong kaibigang babae na pinagsspendan niya ng madaming oras, maging alerto ka tungkol dito. Kahit sila ay totoong magkaibigan, meron laging posibilidad an siya ay emotionally cheating. Malalalaman mo na ang kanyang instict ay tama kapag nagbreak na kayo at agad agad siyang nakipagdate dito. 

No comments:

Post a Comment

Top 10 Powerbanks You Can Choose From

Our world is changing. Technology is a big factor about this rapid change. In recent years, we have seen the importance of smart devices, wh...